930 na dating rebelde, nabigyan ng serbisyong legal ng PAO
April 18, 2022

 

 

“SINSERONG PAG-AKAY.” Isa sa mga natulungan ng Public Attorney’s Office (PAO) ang rebeldeng si Maridel Torres na napagbintangang suspek sa kasong murder. Kakatapos lamang magsilang ng sanggol ni Maridel nang siya’y nakasuhan. Tinulungan siya ng PAO upang makasama niya ang kanyang anak sa Camp Bagong Diwa habang siya’y naka-bilanggo. Sa tulong din ng PAO, siya ay napawalang-sala sa kanyang kaso. (Litrato mula sa Public Attorney’s Office)


 

Mahigit 930 na miyembro ng kilusang grupong New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa gobyerno ang natulungan na ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyong legal sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP mula noong Hulyo 2018 hanggang Marso 2022, ayon sa datos ng Task Force Balik-Loob.

 

Ibinahagi ng Chief Public Attorney na si Atty. Persida Rueda-Acosta sa kanyang panayam sa palatuntunang Balik-Loob sa Pagbabago, ang programa sa radyo ng Task Force Balik-Loob, na masigasig ang PAO sa pag-aabot ng tulong sa mga dating rebeldeng may suliraning legal gaya ng free legal aid, legal counseling at court representation. Karaniwan sa mga rebeldeng tinutulungan ng PAO ay nahaharap sa kasong rebelyon, murder, attempted murder, homicide, at paggamit o pagdadala ng armas. 

 

Ayon sa PAO Chief, isa sa mga hakbang upang matiyak ang pagbabalik-loob ng mga dating rebelde ay ang matulungan sila sa mga kaso na kanilang kinasasangkutan. Sa kasalukuyan, nakabinbin sa Senado ang resolusyon na sumasang-ayon sa proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na paggawad ng amnestiya sa mga miyembro ng communist terrorist group (CTG). Kapag naaprubahan na ang naturang proklamasyon, maaaring mapawalang-bisa ang ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga dating rebelde. 

 

Dagdag pa ni Atty. Acosta, kasama ang PAO sa pagkakaisa ng mga ahensya ng gobyerno sa paghihikayat ng mga miyembro ng kilusang grupo na tumalima na muli sa batas at makiisa sa adhikain ng pamahalaan na paunlarin ang bansa. Aniya, ang pag-aya sa mga rebelde ay hindi dapat idaan sa dahas o paggamit ng armas, kundi sa pamamagitan ng pagsulong ng mga programang makakatulong sa pagsugpo ng mga isyung nagsasadlak sa kanila sa kahirapan. 

 

“Kailangan po ang sinserong pag-akay, pag-damay at pagpapadama na may tunay na social services ang pamahalaan na kung minsan ay napagkakait sa ilang nag-iisip na tumira na lamang sa kabundukan," ani ng PAO Chief.


“Habang mayroong suliraning legal at may mga maralitang mamamayan na nangangailangan ng libreng serbisyong legal, alinsunod sa likas at lubos na karapatang ipinagkakaloob ng Konstitusyon ng Pilipinas at ng batas, magpapatuloy po ang aming mandato na ipagtanggol ang sinuman, maging sino man sila, patungo sa pagkamit ng naaayon na hustisya,” pagbibigay diin ni Atty. Acosta.

Subscribe!
Subscribe now and receive latest news in your email.
Name:
Email:

TFBL Hotlines
Globe:
  • 0927 837 5773
  • Smart:
  • 0921 318 6832
  • Landline:
  • (632) 982-5647
  • (632) 982-5679
  • (632) 982-5682
  • Social Media Accounts
               
    Subscribe!
    Subscribe now and receive latest news in your email.
    Name:
    Email:
    Visitors
    27858