Ano ang E-CLIP?

         Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya.

        Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman, at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay. Ang tulong na ito ng pamahalaan hindi lamang sa kanila kung pati na rin sa kanilang pamilya at komunidad.         

        Para kanino ang E-CLIP? Ayon sa Administrative Order No. 10 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-3 ng Abril 2018, at sa Implementing Rules and Regulations ng nasabing kautusan, ang ECLIP ay para sa mga nagbalik-loob simula noong ika-3 ng Abril 2018, kabilang ang mga sumusunod: 

  • Regular na miyembro ng CPP-NPA-NDF; 
  • Kanilang asawa, anak, at kinakasama legitimate or illegitimate, at kanilang mga magulang at kapatid; 
  • Mga miyembro ng Militia ng Bayan



TFBL Hotlines
Globe:
  • 0927 837 5773
  • Smart:
  • 0921 318 6832
  • Landline:
  • (632) 982-5647
  • (632) 982-5679
  • (632) 982-5682
  • Social Media Accounts
               
    Subscribe!
    Subscribe now and receive latest news in your email.
    Name:
    Email:
    Visitors
    28343