Mensahe mula kay Undersecretary Reynaldo B. Mapagu
Chairperson, Task Force Balik-Loob
CHRISTMAS MESSAGE 2022
Mula sa Task Force Balik-Loob, isang malugod na pagbati ng Kapaskuhan!
Ngayong Pasko, ating isapuso ang diwa ng kapayapaan at pagkakaisa. Ang dahas ay hindi kailanman magiging kasagutan sa pagkamit ng inaasam na pagbabago. Ang pangmatagalang kaginhawaan ng bawat pamilya at pamayanan ay makakamit lamang sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Hangad ng Task Force Balik-Loob na ang lahat ng natitira pang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) at Violent Extremists (VEs) ay samantalahin ang pagkakataon upang magbalik-loob na at tahakin ang landas ng kapayapaan. Nawa ay magsilbing hudyat ng katapusan ng mahigit limampung taong karahasan na dulot ng armadong komunismo ang pagpanaw ni Jose Maria Sison.
Sa nalalapit na pagpasok ng taong 2023, hinihikayat ko ang lahat na patuloy na suportahan ang ating mga programang pangkapayapaan tungo sa mas maunlad na bayan.
Muli, hiling ko ang masagana, mapayapa at masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan para sa lahat!
USEC REYNALDO B. MAPAGU
Chairperson, Task Force Balik-Loob
Administrator, Philippine Veterans Affairs Office