Mahigit 13,000 na dating rebelde, natulungan ng social protection program sa ilalim ng E-CLIP—DSWD
May 05, 2022

 

 

MAS ABOT KAMAY NA ‘SUSTAINABLE PEACE’: Ibinahagi ni Sec. Rolando Bautista na ang kahirapan at social injustice ang mga pangunahing ugat ng armadong pakikibaka, na siya namang sinusolusyunan ng Kagawaran sa pamamagitan ng iba't ibang social protection packages. 

 

Ayon sa Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Sec. Rolando Bautista, mahigit sa 13,000 na dating miyembro ng communist terrorist group (CTG) ang nabigyan ng mga benepisyong kaugnay sa social protection mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP. Ito ay ibinahagi ng Kalihim sa kanyang panayam sa palatuntunang Balik-Loob sa Pagbabago noong nakaraang Huwebes. 

Ang DSWD ay isa sa mga pangunahing ahensya na bumubuo ng Task Force Balik-Loob (TFBL) na nagbibigay ng iba’t ibang benepisyo para sa ating mga former rebels (FRs) at former violent extremists (FVEs) sa ilalim ng E-CLIP. Dahil sa whole-of-nation approach at mas pinagigting na pagbibigay ng serbisyong publiko ng iba't ibang ahensya ng gobyerno, maraming miyembro ng CTG ang nahihikayat na magbalik-loob sa pamahalaan. Sa pamamagitan nito, mas nagiging abot-kamay na ang pagkamit ng inclusive at sustainable peace. 

Isa sa mga pangunahing programa ng DSWD na may malaking ambag sa pagbabalik-loob ng mga rebelde ay ang Sustainable Livelihood Program o SLP. Sa ilalim ng SLP, ang mga FRs ay binibigyan ng livelihood settlement grants na makakatulong sa kanilang pangkabuhayan. Maliban sa livelihood assistance, nagsasagawa rin ng psychological interventions, counseling, at monitoring ang Kagawaran upang matulungan ang mga FRs na mamuhay ng mapayapa sa kanilang komunidad. 

Dagdag pa ng Kalihim, ang Kagawaran ay gumagawa ng mga iba’t ibang hakbang upang mas maging maayos at makabuluhan ang paghahatid ng tulong sa ating FRs at FVEs. "Tayo rin ay naghahanda ng training para sa mga local social welfare development officers (LSWDOs) lalo na sa case management of insurgent returnees. Dapat ma-sustain nila kung anuman ang ginawa ng DSWD dahil useless din iyan 'pag hindi nila alam ang gagawin," ani Sec. Bautista.

Giit ng Kalihim, bilang isa sa mga pangunahing tanggapan na tumutulong sa mga sumukong rebelde, mahalaga na maging eksperto o may kaakibat na core competency ang mga LSWDOs sa pag-aasikaso at pag-alalay sa mga benepisyaryo. “Malaki ang posibilidad na [bumalik sa kilusan] ang mga kapatid nating FRs. At kapag magre-recruit ulit sila para bumaba [ang mga rebelde], hindi na sila maniniwala kasi iyong pinangako ng gobyerno, sasabihin nila na hindi naman natuloy. Ayan na ang problema natin. Mas mahirap na natin silang kumbinsihin para bumalik ulit sa ating gobyerno," sabi ng Kalihim. 

Tanging hiling ni Sec. Bautista na sana ay maipagpatuloy pa ang reintegration program ng gobyerno sa susunod na administrasyon. "Sa susunod na administrasyon, sana ituloy-tuloy niya yung nasimulan na efforts na ginawa namin para ating mga kapatid na FRs," turan ng Kalihim. "Sa 2022, layunin nating bigyan pa ng kabuhayan ang mas maraming FRs at palawakin ang ating peace program sa pagbibigay ng intervention sa mga dating violent extremists.” 

“Kasi experience wise, kapag naibigay mo at natulungan mo ang ating mga FRs lalo na kung paano hindi sila magugutom at kung paano sila magkakaroon ng sustento o pera para sa araw araw nilang pantustos sa kanilang pamilya, nagbabago ang kanilang pananaw," dagdag nya. "It's a matter of choice, whether or not babalik pa sila sa pamumundok o mag-stay nalang sila sa present status nila sa tulong ng gobyerno para makaangat ang kanilang buhay, of course, hindi na para sa kanilang sarili, pero siyempre para na sa kanilang pamilya."

Subscribe!
Subscribe now and receive latest news in your email.
Name:
Email:

TFBL Hotlines
Globe:
  • 0927 837 5773
  • Smart:
  • 0921 318 6832
  • Landline:
  • (632) 982-5647
  • (632) 982-5679
  • (632) 982-5682
  • Social Media Accounts
               
    Subscribe!
    Subscribe now and receive latest news in your email.
    Name:
    Email:
    Visitors
    27279